Thursday, May 2, 2013



Talon ng Maria Cristina Falls


Ang talon ng Maria Cristina ay ang pinakamalaking mana ng Iligan at isa sa tanyag na tanawin dito sa Pilipinas. Ito ay itinuturing na pinakamarilag sa dalawampung talon na matatagpuan sa “City of Majestic Waterfalls”- Iligan City. Nasa taas na 320 talampakan at 9.3 kilometro ang layo mula sa lungsod. Nagmumula ang tubig nito sa Lawa ng Lanao na matatagpuan sa Marawi City at dumadaloy patungong Agus. Sa katunayan, siyamnapung bahagdan ng tubig nito ay ginagamit sa pagsuplay ng enerhiya sa hydroelectric power plant, ngunit nananatiling mapang-akit ang lagaslas nito.





                                                                Bulkang Mayon 

       Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa Rehiyon ng Bicol.
Ito ay kahanga hanga dahil sa perpekto nitong hugis dahil ditto ito ay inihahambing sa Bundok Fuji ng bansang Hapon.





 Hagdan Hagdang Palayan

       Ang hagdan hagdang palayan ay isa sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas at ikawalo sa mga kahanga hangang pook sa buong mundo. Ito ay pinaniniwalaang nililok ng mga mamamayang Batad sa lalawigan ng Ifugao 2000 o 3000 taon na ang nakalilipas. Ito ay kahanga hanga dahil sa maganda nitong anyo na tila papaakyat sa langit na taniman ng palay.



                                                                                      Chocolate Hills

                        Ang Chocolate hills ay isang burol. Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate. Maramin turista ang nagpupunta sa Bohol para makita ang chocolate hills. 
Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.





Hundred Islands

       Ito ay matatagpuan sa barangay Lucap sa bayan ng Alaminos sa Pangasinan. Ito ay binubuo ng 124 na mga pulo subalit 123 lamang ang makikita tuwing tataas ang apglaki ng tubig. Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang ang mga pulo.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Talon_ng_Maria_Cristina